ENERO 6, 2023| UPDATED: ABRIL 19, 2023
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Mas Tumitibay ang Tiwala Ko kay Jehova”
Noong Abril 18, 2023, hinatulan ng Nevinnomyssk City Court of the Stavropol Territory si Brother Sergey Kuznetsov at pinatawan ng anim-na-taóng suspended prison sentence. Hindi niya kailangang makulong sa ngayon.
Profile
Dahil iningatan ni Jehova si Sergey, napapatibay tayo kasi alam ni Jehova ang ‘lahat ng paghihirap natin’ at ‘bubuhatin niya tayo’ kapag napaharap tayo sa anumang pagsubok.—Isaias 63:9.
Time Line
Nobyembre 21, 2018
Ni-raid ang karamihan ng mga bahay ng mga Saksi sa Nevinnomyssk, kasama na ang bahay ni Sergey
Disyembre 12, 2019
Sinampahan ng kasong kriminal
Hunyo 18, 2020
Idinagdag ang pangalan ni Sergey sa listahan ng mga ekstremista
Mayo 31, 2022
Pinagbawalang magbiyahe
Setyembre 7, 2022
Nagsimula ang paglilitis