Pumunta sa nilalaman

Si Brother Dmitriy Dolzhikov at ang asawa niya, si Marina

MAYO 2, 2023| UPDATED: HULYO 3, 2023
RUSSIA

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | Napatibay ng mga Halimbawa ng Pananampalataya ng Tapat ng mga Lingkod

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | Napatibay ng mga Halimbawa ng Pananampalataya ng Tapat ng mga Lingkod

Noong Hunyo 30, 2023, hinatulan ng Leninskiy District Court of Novosibirsk si Brother Dmitriy Dolzhikov at sinentensiyahan ng tatlong taon sa bilangguan. Pero binago ng judge ang hatol at ginawang tatlong-taóng sapilitang pagtatrabaho. Hindi siya makukulong sa ngayon. Sa panahon ng sentensiya niya, kukumpiskahin ng gobyerno ang 10 porsiyento ng kinikita niya. Hindi rin siya puwedeng lumabas sa hangganan ng lunsod.

Profile

Nagtitiwala tayo na patuloy na palalakasin ni Jehova si Dmitry at tayong lahat at alam Niya ang ating pananampalataya at pagtitiis.​—Apocalipsis 2:19.

Time Line

  1. Mayo 13, 2022

    Sinampahan ng kasong kriminal

  2. Setyembre 8, 2022

    Hinalughog ang apartment. Inilagay sa temporary detention

  3. Setyembre 9, 2022

    Sumailalim sa interogasyon at isinakay ng eroplano papuntang Chelyabinsk tungo sa isang pretrial detention center sa Novosibirsk, mahigit 1,500 kilometro ang layo

  4. Nobyembre 11, 2022

    Nagsimula ang paglilitis

  5. Nobyembre 24, 2022

    Pinalaya mula sa pretrial detention at inilagay sa house arrest