Pumunta sa nilalaman

Si Sister Yelena Menchikova

DISYEMBRE 21, 2021 | UPDATED: ENERO 24, 2024
RUSSIA

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | Panalangin sa Kaniyang Best Friend na si Jehova at Halimbawa ng mga Tapat ang Nakatulong kay Sister Yelena Menchikova

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | Panalangin sa Kaniyang Best Friend na si Jehova at Halimbawa ng mga Tapat ang Nakatulong kay Sister Yelena Menchikova

Noong Enero 23, 2024, si Sister Yelena Menchikova ay hinatulan ng Cherkessk City Court of the Karachayevo-Circassian Republic ng suspended prison sentence na apat na taon at anim na buwan. Hindi siya makukulong sa ngayon.

Noong Disyembre 5, 2022, binaligtad ng Fifth General Jurisdiction Court of Cassation ang naunang hatol kay Sister Yelena Menchikova. Muli siyang haharap sa paglilitis.

Time Line

  1. Disyembre 15, 2021

    Hinatulang nagkasala ng Cherkessk City Court of the Karachayevo-Circassian Republic si Yelena at pinatawan ng limang-taóng suspended prison sentence.

  2. Hunyo 9, 2021

    Nagsimula ang paglilitis

  3. Marso 9, 2021

    Sinampahan siya ng imbestigador ng ikalawang kasong kriminal. Inaakusahan siya ngayon ng “pagpaplano” na isama ang iba sa mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon

  4. Pebrero 10, 2021

    Hindi pinagbigyan ng imbestigador ang kahilingan ni Yelena na ibasura ang kaso pagkatapos niyang magpaliwanag sa pamamagitan ng pagsipi mula sa Bibliya. Sinabi ng imbestigador na dahil sumipi siya sa Bibliya, lalo lang niyang pinatunayan na kasama nga siya sa “kriminal” na mga gawain

  5. Nobyembre 13, 2020

    Sinampahan siya ng imbestigador ng kasong kriminal dahil sa pag-awit at pananalangin kay Jehova

  6. Nobyembre 12, 2020

    Hinalughog ng mga pulis ang bahay ni Yelena sa ikalawang pagkakataon

  7. Disyembre 16, 2019

    Hinalughog ng mga opisyal ng FSB sa Cherkessk ang mga bahay ng 10 pamilya na mga Saksi ni Jehova, kasama na ang bahay ni Yelena

Profile

Nananalangin tayo na patuloy na tutulungan at papalakasin ni Jehova si Yelena at ang lahat ng tapat na mga lingkod Niya na pinag-uusig.—Awit 119:49, 50.