Pumunta sa nilalaman

Si Brother Yuriy Chernykh

ABRIL 26, 2023 | UPDATED: OKTUBRE 3, 2023
RUSSIA

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | ‘Tinulungan Kami ni Jehova’

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | ‘Tinulungan Kami ni Jehova’

Noong Setyembre 28, 2023, hinatulan ng Central District Court of Prokopyevsk si Brother Yuriy Chernykh at pinatawan ng tatlong-taóng puwersahang pagtatrabaho. a Hindi siya makukulong sa ngayon.

Profile

Nagtitiwala tayo na patuloy na paglalaanan ni Jehova ang lahat ng tapat na lingkod niya ng ‘kapayapaan na gaya ng ilog’ habang ginagawa nila ang lahat para manatiling tapat sa kaniya.—Isaias 48:18.

Time Line

  1. Hulyo 12, 2020

    Hinalughog ang bahay. Sumailalim sa interogasyon sina Yuriy at Yelena

  2. Nobyembre 5, 2021

    Sinampahan ng kasong kriminal

  3. Nobyembre 10, 2021

    Hinalughog ang bahay sa ikalawang pagkakataon

  4. Abril 26, 2022

    Pinagbawalang magbiyahe si Yuriy

  5. Hulyo 18, 2022

    Nagsimula ang paglilitis

a Kapag napatawan ng puwersahang pagtatrabaho ang isang tao, ang mga nasa awtoridad ang magbibigay ng trabaho sa kaniya at kukunin ang 5 hanggang 20 porsiyento ng sahod niya. Kung sa tingin ng mga nasa awtoridad ay hindi siya nakikipagtulungan o ayaw niyang magtrabaho, puwede siyang mabilanggo.