Pumunta sa nilalaman

Mula kaliwa pakanan, itaas na hanay: Si Brother Vladimir Kochnev at ang asawa niyang si Galina; si Brother Vladislav Kolbanov. Ibabang hanay: Si Brother Pavel Lekontsev at ang asawa niyang si Oksana; si Brother Sergey Logunov at ang asawa niyang si Larisa; si Brother Nikolay Zhugin at ang asawa niyang si Galina

OKTUBRE 1, 2021| UPDATED: AGOSTO 29, 2023
RUSSIA

UPDATE—NAHATULAN ANG MGA KAPATID | Limang Brother, Determinadong Magtiis ng Pag-uusig

UPDATE—NAHATULAN ANG MGA KAPATID | Limang Brother, Determinadong Magtiis ng Pag-uusig

Noong Agosto 28, 2023, hinatulan ng Promyshlenniy District Court of Orenburg sina Brother Vladimir Kochnev, Vladislav Kolbanov, Pavel Lekontsev, Sergey Logunov, at Nikolay Zhugin. Pinatawan sila ng dalawang-taon-at-anim-na-buwan hanggang tatlong-taon-at-anim-na-buwang suspended prison sentence. Hindi sila makukulong sa ngayon.

Time Line

  1. Marso 1, 2021

    Mahigit isang taon pagkatapos ibalik ang kaso sa prosecutor’s office, nagsimula ang mga pagdinig sa Promyshlenniy District Court ng Orenburg

  2. Enero 14, 2020

    Ibinalik sa prosecutor’s office ang kasong kriminal dahil walang malinaw na akusasyon laban sa mga brother

  3. Agosto 3, 2018

    Pinalaya si Vladimir mula sa isang pretrial detention center pagkaraan ng 79 na araw at ipina-house arrest

  4. Mayo 16, 2018

    Hinalughog ng mga pulis ang bahay ng 19 na pamilya sa Orenburg Region. Sina Vladimir at Vladislav ay ipinadala sa isang temporary detention facility. Pagkaraan ng tatlong araw, pinalaya si Vladislav at ipina-house arrest

  5. Mayo 14, 2018

    Sinimulan ng Investigative Directorate ng Investigative Committee of the Russian Federation para sa Orenburg Region ang kasong kriminal laban sa limang brother

Profile

Kahit mahigit tatlong taon na ang kaso nila, kitang-kita na determinado ang mahal nating mga kapatid na manatiling tapat kay Jehova. Maliwanag din na tapat si Jehova sa kanila.​—2 Samuel 22:26.