MAYO 29, 2023 | UPDATED: MAYO 3, 2024
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG MGA KAPATID | Mga Prinsipyo sa Bibliya, Nakakatulong sa mga Kapatid na Matiis ang mga Pag-uusig
Noong Mayo 2, 2024, hinatulan ng Pozharskiy District Court of the Primorye Territory si Brother Nikolay Dikhtyar ng suspended prison sentence na dalawang taon at anim na buwan. Si Andrey Lyakhov naman, nang dalawang taon at walong buwan, si Yuriy Ponomarenko nang anim na taon at anim na buwan, at Oleg Sergeyev nang anim na taon at apat na buwan. Hindi sila makukulong sa ngayon.
Profile
Alam natin na, gaya nina Andrey, Nikolay, Oleg, at Yuriy, kung isasabuhay natin ang mga prinsipyo sa Bibliya, magiging “handang-handa [tayo] para sa bawat mabuting gawa.”—2 Timoteo 3:16, 17.
Time Line
Hulyo 16, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal si Yuriy. Inakusahan siya ng pag-oorganisa ng mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon
Hulyo 22, 2021
Hinalughog ang apartment ni Yuriy
Hulyo 24, 2021
Pinagbawalang magbiyahe si Yuriy
Nobyembre 1, 2021
Hinalughog ang apartment ni Oleg
Nobyembre 2, 2021
Pinagbawalang magbiyahe si Oleg
Pebrero 12, 2022
Sinampahan ng kasong kriminal si Oleg
Marso 14, 2022
Sinampahan ng kasong kriminal si Nikolay
Marso 15, 2022
Sinampahan ng kasong kriminal si Andrey
Agosto 10, 2022
Nagsimula ang paglilitis