HULYO 26, 2022 | UPDATED: DISYEMBRE 6, 2023
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG MGA KAPATID | Nagtitiis Nang May Lakas ng Loob at Kagalakan
Noong Disyembre 5, 2023, hinatulan ng Surgut City Court of the Khanty-Mansi Autonomous Area—Yugra ang 17 brother at isang sister. Kasama sa kanila sina Brother Vasiliy Burenesku, Viktor Fefilov, Igor Kobotov, Igor Petrov, Leonid Rysikov, Igor Trifonov, at Brother Pavel Romashov at ang asawa niyang si Sister Viola Shepel. a Hinatulan ang 17 brother ng suspended prison sentence mula anim na taon at tatlong buwan hanggang pitong taon. Pinatawan naman si Sister Shepel ng suspended prison sentence na tatlong taon at tatlong buwan. Hindi sila makukulong sa ngayon.
Time Line
Pebrero 15, 2019
Hinalughog ng mga pulis ang bahay ng maraming Saksi ni Jehova sa Surgut at sa kalapit na mga lunsod. Ayon sa ulat, pitong brother ang pinahirapan sa panahon ng interogasyon. Tatlong brother ang inilagay sa pretrial detention at isang brother naman ang pinapunta sa isang psychiatric hospital
Oktubre 3, 2019
Inilista sina Viktor, Igor Kobotov, Igor Petrov, Leonid, Igor Trifonov, Pavel, at Viola bilang mga ekstremista
Oktubre 10, 2019
Inilista si Vasiliy bilang ekstremista
Hulyo 23, 2020
Hinalughog ang bahay ni Petrov sa ikalawang pagkakataon, at kinuha ang marami pa niyang gamit
Oktubre 29, 2021
Nagsimula ang paglilitis
Profile
Kumbinsido tayo na anumang ‘kapighatian, pagdurusa, pag-uusig, o panganib’ ang nararanasan ng mga kapatid natin, ‘lubos silang magtatagumpay’ dahil sa pag-ibig at tulong ni Jehova.—Roma 8:35, 37.