Pumunta sa nilalaman

Kaliwa pakanan: Sina Brother Yuriy Kolotinskiy, Mikhail Reshetnikov, at Anatoliy Sarychev

MARSO 27, 2024 | UPDATED: MAYO 13, 2024
RUSSIA

UPDATE—NAHATULAN ANG MGA KAPATID | Nagtitiwala, Handa, at Positibo

UPDATE—NAHATULAN ANG MGA KAPATID | Nagtitiwala, Handa, at Positibo

Noong Mayo 13, 2024, hinatulan ng Leninskiy District Court of Barnaul in the Altai Territory sina Brother Yuriy Kolotinskiy, Mikhail Reshetnikov, at Anatoliy Sarychev. Pinatawan sila ng suspended prison sentence na dalawang taon at tatlong buwan. Hindi nila kailangang makulong sa ngayon.

Profile

Nagpapasalamat tayo sa mga kapatid na ito, dahil mga halimbawa sila ng pananampalataya at pagtitiwala kay Jehova. Kumbinsido tayo na patuloy silang tutulungan ni Jehova dahil mahal niya sila at hindi niya kalilimutan ang katapatan nila.—Awit 25:10.

Time Line

  1. Mayo 25, 2021

    Sinampahan ng kasong kriminal si Mikhail

  2. Mayo 27, 2021

    Hinalughog ang bahay ni Mikhail. Pinagtatanong sila ni Antonina. Pinagbawalang umalis ng kanilang lugar si Mikhail

  3. Oktubre 6, 2022

    Sinampahan ng kasong kriminal sina Anatoliy at Yuriy at isinama sa kaso ni Mikhail

  4. Oktubre 7, 2022

    Pinagbawalang umalis ng kanilang lugar sina Anatoliy at Yuriy

  5. Enero 19, 2023

    Nagsimula ang paglilitis