HULYO 26, 2022 | UPDATED: DISYEMBRE 6, 2023
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG MGA KAPATID | Napapalakas ng Panalangin
Noong Disyembre 5, 2023, hinatulan ng Surgut City Court of the Khanty-Mansi Autonomous Area—Yugra ang 17 brother at isang sister. Kasama dito sina Brother Vyacheslav Boronos, Saveliy Gargalyk, Yevgeniy Kayryak, Artem Kim, Sergey Loginov, Aleksey Plekhov, at Sergey Volosnikov. Hinatulan ang 17 brother ng suspended prison sentence mula anim na taon at tatlong buwan hanggang pitong taon. Pinatawan naman ang sister ng suspended prison sentence na tatlong taon at tatlong buwan. Hindi sila makukulong sa ngayon.
Time Line
Pebrero 15, 2019
Hinalughog ng mga pulis ang bahay ng maraming Saksi ni Jehova sa Surgut at sa kalapit na mga lunsod. Dahil dito, tatlong brother, kasama si Sergey Loginov, ang dinala sa pretrial detention. Ang isang brother naman ay inutusang magreport sa isang psychiatric hospital. Ang pitong brother sa report na ito ay pinagmalupitan nang pisikal dahil tumanggi silang magbigay ng impormasyon tungkol sa mga kapananampalataya nila
Pebrero 26, 2019
Inutusan ng European Court of Human Rights ang gobyerno ng Russia na palayain si Sergey Loginov para makapagpagamot siya
Abril 11, 2019
Pinalaya si Sergey Loginov mula sa pretrial detention
Oktubre 29, 2021
Nagsimula ang paglilitis
Profile
Habang lakas-loob na patuloy na tinitiis ng mga kapatid natin ang pag-uusig, nagtitiwala tayo na dinirinig ni Jehova ang mga panalangin nila at agad na sinasagot ito kapag nahihirapan sila.—Awit 69:17.