Pumunta sa nilalaman

Mula kaliwa pakanan, itaas na hanay: Si Brother Sergey Agadzhanov; sina Sister Lyubov Asatryan, Galina Dergacheva, at Inna Kardakova

Gitnang hanay: Sina Sister Irina Khvostova at Galina Pechko; sina Brother Konstantin Petrov, Ivan Puyda, at Viktor Revyakin

Ibabang hanay: Si Brother Mikhail Solntsev at ang asawa niyang si Oksana; sina Brother Sergey Yerkin at Yevgeniy Zyablov

OKTUBRE 17, 2022| UPDATED: MARSO 7, 2024
RUSSIA

UPDATE—NAHATULAN | Paglilitis sa 13 Saksi sa Magadan

UPDATE—NAHATULAN | Paglilitis sa 13 Saksi sa Magadan

Noong Marso 6, 2024, hinatulan ng Magadan City Court of the Magadan Region ang sumusunod na mga kapatid: Sergey Agadzhanov, Lyubov Asatryan, Galina Dergacheva, Inna Kardakova, Irina Khvostova, Galina Pechko, Konstantin Petrov, Ivan Puyda, Viktor Revyakin, Mikhail Solntsev, Oksana Solntseva, Sergey Yerkin, at Yevgeniy Zyablov.

Pinatawan sina Sergey Agadzhanov, Lyubov, Galina Dergacheva, Inna, Irina, Galina Pechko, Viktor, Mikhail, at Oksana ng tatlong-taóng suspended prison sentence. Si Yevgeniy naman ay tumanggap ng limang-taóng suspended prison sentence. Sina Konstantin, Ivan, at Sergey Yerkin ay binigyan ng pitong-taóng suspended prison sentence. Hindi pa sila makukulong sa ngayon.

Time Line

  1. Mayo 30, 2018

    Sinimulan ang kasong kriminal laban kina Ivan, Konstantin, Sergey Yerkin, at Yevgeniy dahil sa pag-oorganisa daw ng mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon

  2. Hunyo 1, 2018

    Lahat ng apat na brother ay inilagay sa pretrial detention

  3. Agosto 3, 2018

    Pinalaya si Konstantin mula sa pretrial detention at inilagay sa house arrest

  4. Oktubre 5, 2018

    Pinalaya sina Ivan, Sergey Yerkin, at Yevgeniy at inilagay sa house arrest

  5. Marso 20, 2019

    Sinimulan ang kriminal na kaso laban kina Sergey Agadzhanov, Galina Dergacheva, Inna, Irina, Lyubov, Mikhail, Oksana, at Viktor. Lahat sila ay pinagbawalang magbiyahe

  6. Marso 27, 2019

    Pinalaya sina Ivan, Konstantin, Sergey Yerkin, at Yevgeniy mula sa house arrest at pinagbawalang magbiyahe

  7. Abril 1, 2019

    Nagpasiya ang mga awtoridad na sama-samang litisin ang mga kapatid

  8. Marso 2, 2021

    Pinagbawalang magbiyahe si Galina Pechko

  9. Marso 5, 2021

    Si Galina Pechko ay inakusahan ng pakikibahagi sa mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon at ang kaniyang kaso ay isinama sa kaso ng 12 pang kapatid

  10. Abril 25, 2022

    Nagsimula ang paglilitis

Profile

Napapatibay tayo ng mga kapatid na nananatiling masaya kahit na ‘iniinsulto dahil sa pangalan ni Kristo habang ang espiritu ng Diyos ay nasa kanila.’—1 Pedro 4:14.

a Walang makuhang personal na komento mula kay Brother Sergey Agadzhanov.