SETYEMBRE 1, 2021 | UPDATED: OKTUBRE 25, 2023
RUSSIA
UPDATE—NAKULONG ANG KAPATID | Brother Aleksey Khabarov, May Lakas ng Loob Dahil sa Panalangin at Pananalig sa Salita ng Diyos
Noong Oktubre 20, 2023, hinatulan ng Porkhovskiy District Court of the Pskov Region si Brother Aleksey Khabarov na mabilanggo nang dalawang taon at anim na buwan. Hinatulan siyang may-sala pagkatapos umapela ng prosecutor dahil sa unang pagpapawalang-sala sa kaniya. Ikatlong paglilitis na ito kay Brother Khabarov. Agad siyang ibinilanggo.
Noong Hunyo 27, 2022, pinawalang-sala ng Porkhovskiy District Court of the Pskov Region si Brother Aleksey Khabarov sa lahat ng kasong kriminal na isinampa sa kaniya.
Time Line
Noong Nobyembre 26, 2021, isinaalang-alang ng Pskov Regional Court ang apela ni Aleksey. Ibinalik ang kaso sa orihinal na korte na duminig sa kaso, pero iba na ang hukom. Hindi niya kailangang makulong sa ngayon
Setyembre 7, 2021
Sinentensiyahan ng Porkhovskiy District Court ng Pskov Region si Aleksey ng tatlong-taóng suspended prison sentence.
Oktubre 29, 2020
Nagsimula ang paglilitis kay Aleksey
Agosto 28, 2020
Opisyal na kinasuhan ng isang krimen si Aleksey dahil sa “aktibong pakikibahagi sa mga relihiyosong pulong” kung saan ang mga mananampalataya ay ‘nag-uusap tungkol sa kanilang paniniwala, nagbabasa ng Bibliya, tinatalakay ang mga paksa tungkol sa Bibliya, at kumakanta ng relihiyosong mga awit’
Pebrero 7, 2020
Si Aleksey ay pinagtatanong sa ikalawang pagkakataon. Sa interogasyon, nalaman na pinakinggan at inirekord ng mga pulis ang mga tawag niya sa telepono noong 2018
Enero 31, 2020
Kinasuhan si Aleksey
Mayo 24, 2019
Sumulat si Aleksey ng apela sa Ombudsman for Human Rights sa Pskov Region. Ipinaliwanag ni Aleksey na hindi siya isang kriminal kundi isang tapat na mananampalataya. Sumang-ayon ang ombudsman na may karapatan si Aleksey na manampalataya at isagawa ang kaniyang paniniwala
Abril 3, 2019
Hinalughog ang bahay ni Aleksey, kinumpiska ang ilang gamit niya, at pinagtatanong siya ng mga pulis
Profile
Gaya ni Aleksey, sigurado din tayong laging ‘palalakasin at patatatagin’ ni Jehova ang mga tapat sa Kaniya.—Awit 27:14.