MAYO 18, 2022| UPDATED: MARSO 12, 2024
RUSSIA
UPDATE—NAKULONG ANG KAPATID | Inver Siyukhov, Pinalakas
Noong Marso 7, 2024, hinatulan ng Maykop City Court of the Republic of Adygeya si Brother Inver Siyukhov at sinentensiyahang mabilanggo nang anim na taon. Nasa pretrial detention na siya noon pang Abril 2021, at mananatili siyang nakakulong.
Time Line
Abril 15, 2021
Inakusahan dahil sa pag-oorganisa ng mga pulong gamit ang mga videoconferencing tool
Abril 16, 2021
Hinalughog ng mga pulis ang bahay ni Inver pati ang mga bahay ng apat pang Saksi ni Jehova. Sumailalim siya sa interogasyon at inilagay sa temporary detention
Abril 17, 2021
Inilagay sa pretrial detention center
Agosto 15, 2021
Inilipat sa maximum-security detention center na 110 kilometro mula sa Maykop
Setyembre 13, 2021
Nagsimula ang paglilitis
Profile
Nagtitiwala tayo na patuloy na ‘kukuha ng lakas sa Panginoon at sa kaniyang dakilang kapangyarihan’ ang mahal nating mga kapatid sa Russia.—Efeso 6:10.
a Hindi posibleng makuha ang komento ni Brother Siyukhov dahil kasalukuyan siyang nasa pretrial detention.