Pumunta sa nilalaman

Si Brother Konstantin Sannikov

ABRIL 8, 2022 | UPDATED: PEBRERO 16, 2023
RUSSIA

UPDATE—NASENTENSIYAHANG MABILANGGO | Patuloy na Inaalagaan ng Isang Nakabilanggong Ama ang Espirituwalidad ng Pamilya Niya

UPDATE—NASENTENSIYAHANG MABILANGGO | Patuloy na Inaalagaan ng Isang Nakabilanggong Ama ang Espirituwalidad ng Pamilya Niya

Noong Pebrero 15, 2023, hinatulan ng Sovetskiy District Court of Kazan si Brother Konstantin Sannikov at sinentensiyahan ng anim-at-kalahating-taóng pagkabilanggo. Nasa pretrial detention na siya mula pa noong Agosto 2020 at nakakulong pa rin hanggang ngayon.

Time Line

  1. Agosto 25, 2020

    Sinampahan ng kasong kriminal si Konstantin pagkatapos na palihim na maglagay ng mga listening device ang mga imbestigador sa bahay niya. Sinasabi ng mga awtoridad na ekstremista siya dahil nagpupunta ang mga tao sa bahay niya para pag-usapan ang Bibliya

  2. Agosto 27, 2020

    Inaresto at kaagad na ibinilanggo bago pa man litisin

  3. Mayo 26, 2021

    Pinagbawalan ng korte ang asawa niya sa pagbisita, at hanggang ngayon, hindi pa rin ito pinagbibigyan

  4. Agosto 20, 2021

    Nagsimula ang paglilitis

Profile

Habang patuloy na inaalagaan ni Konstantin ang pamilya niya sa espirituwal kahit nakabilanggo, nagtitiwala tayo na hinding-hindi papabayaan ni Jehova ang “mga nasa pangangalaga niya.”​—1 Timoteo 5:8.

a Dahil nakabilanggo si Brother Sannikov, hindi posibleng makakuha ng komento mula sa kaniya.