MAYO 10, 2022
RUSSIA
UPDATE | Nadaig ni Galina Abrosimova ang Takot Niya
Noong Agosto 11, 2022, ibinasura ng Nizhny Novgorod Regional Court ang apela ni Sister Galina Abrosimova. Hindi siya mabibilanggo sa ngayon.
Noong Mayo 6, 2022, sinentensiyahan si Galina ng Sovietskiy District Court ng Nizhny Novgorod ng anim-na-taóng suspended prison sentence.
Time Line
Hunyo 4, 2019
Sinimulan ng mga imbestigador ang isang kaso laban sa ilang Saksi ni Jehova sa Nizhny Novgorod Region. Inakusahan sila ng pagdaraos ng mga pulong, pangongolekta ng mga donasyon, at paghikayat sa iba na sumama sa isang ipinagbabawal na relihiyosong organisasyon
Hulyo 17, 2019
Ni-raid at hinalughog ang mga bahay ng 35 pamilya ng mga Saksi ni Jehova. Inaresto si Galina at inilagay sa isang temporary detention center nang dalawang araw
Oktubre 19, 2021
Nagsimula ang paglilitis kay Galina
Profile
Kumbinsido tayo na patuloy na bibigyan ni Jehova ng lakas ng loob ang mga kapatid natin sa Russia para ‘makatayo sa harap ng mga gobernador at mga hari at makapagpatotoo sa kanila.’—Marcos 13:9.