Pumunta sa nilalaman

Hanay sa itaas (kaliwa pakanan): Sina Brother Denis Antonov, Aleksandr Shevchuk, Aleksandr Korolev

Hanay sa ibaba (kaliwa pakanan): Sina Brother Vladimir Atryakhin, Brother Georgiy Nikulin at ang asawa niyang si Yelena

DISYEMBRE 16, 2021
RUSSIA

UPDATE | Nakatulong ang Araw-araw na Pagbabasa ng Bibliya sa Limang Brother at Isang Sister Para Matiis ang Pag-uusig

UPDATE | Nakatulong ang Araw-araw na Pagbabasa ng Bibliya sa Limang Brother at Isang Sister Para Matiis ang Pag-uusig

Noong Agosto 22, 2022, hinatulan ng Leninskiy District Court ng Saransk sina Brother Denis Antonov, Vladimir Atryakhin, Aleksandr Korolev, Georgiy Nikulin, Sister Yelena Nikulina, at Brother Aleksandr Shevchuk. Sina Denis, Aleksandr Korolev, at Aleksandr Shevchuk ay nahatulang mabilanggo nang dalawang taon. Sina Georgiy at Yelena ay apat na taon at dalawang buwan, at si Vladimir ay nahatulang mabilanggo nang anim na taon. Ipatutupad agad ang lahat ng sentensiya.

Time Line

  1. Hunyo 11, 2021

    Nagsimula ang unang sesyon ng korte sa Leninskiy District Court ng Saransk

  2. Abril 2, 2021

    Inakusahan si Yelena ng pagre-recruit at pakikibahagi sa mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon

  3. Marso 31, 2021

    Inakusahan si Vladimir ng pag-oorganisa ng mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon

  4. Hulyo 2, 2019

    Pinalaya sina Aleksandr Shevchuk at Georgiy mula sa pretrial detention at pinagbawalang umalis sa kanilang lugar

  5. Marso 28, 2019

    Pinalaya si Vladimir mula sa pretrial detention at pinagbawalang umalis sa kanilang lugar

  6. Pebrero 8, 2019

    Ikinulong sina Aleksandr Shevchuk, Vladimir, at Georgiy sa pretrial detention center

  7. Pebrero 4, 2019

    Sinampahan ng FSB ng kasong kriminal ang limang brother at si Yelena dahil sa pag-oorganisa ng mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon

Profile

Alam natin na patuloy na magpapakita si Jehova ng tapat na pag-ibig sa ating mahal na mga kapatid na pinag-uusig sa Russia habang patuloy silang nagtitiwala sa Kaniya.—Genesis 32:10.