Pumunta sa nilalaman

Si Brother Anatoliy Gorbunov at ang asawa niyang si Galina

AGOSTO 5, 2021
RUSSIA

UPDATE | Nakatulong kay Brother Anatoliy Gorbunov ang Laging Pananalangin Para Manatiling Masaya

UPDATE | Nakatulong kay Brother Anatoliy Gorbunov ang Laging Pananalangin Para Manatiling Masaya

Noong Hunyo 21, 2022, ibinasura ng Krasnoyarsk Territory Court ang apela ni Brother Anatoliy Gorbunov. Malapit na siyang ilipat mula sa pretrial detention papunta sa bilangguan.

Noong Pebrero 2, 2022, sinentensiyahan ng Oktyabr’skiy District Court ng Krasnoyarsk Territory si Brother Gorbunov na mabilanggo nang anim na taon. Agad siyang dinampot.

Time Line

  1. Pebrero 9, 2021

    Nagsimula ang paglilitis kay Anatoliy

  2. Setyembre 15, 2020

    Hinalughog ang bahay ni Anatoliy sa ikalawang pagkakataon. Kinumpiska ng mga pulis ang susi ng bahay niya

  3. Marso 25, 2020

    Sinampahan si Anatoliy ng kasong kriminal. Inakusahan siya ng pag-oorganisa ng relihiyosong mga pulong ng isang ipinagbabawal na organisasyon

  4. Nobyembre 7, 2018

    Isang umaga, hinalughog ang apartment ni Anatoliy. Kinuha ng mga pulis ang isang laptop, tablet, flash drive, hard drive, at dalawang phone. Dinala si Anatoliy sa opisina ng Investigative Committee of the Russian Federation para sa interogasyon at pinalaya pagkatapos ng isang oras

Profile

Habang patuloy na nagtitiwala si Anatoliy at ang pamilya niya kay Jehova sa pamamagitan ng pananalangin sa Kaniya, alam nating susuportahan sila ni Jehova at tutulungan silang patuloy na maging masaya.—Awit 25:1, 2.