PEBRERO 3, 2022
RUSSIA
UPDATE | Nakatulong kay Brother Andrey Vlasov ang Pagiging Aktibo Para Manatiling Positibo
Noong Hulyo 26, 2022, hindi pinagbigyan ng Kemerovo Regional Court ang apela ni Brother Andrey Vlasov. Nakakulong pa rin siya.
Noong Mayo 23, 2022, hinatulan ng Central District Court ng City of Prokopyevsk si Andrey at sinentensiyahang makulong nang pitong taon. Magsisimula agad ang sentensiya niya.
Time Line
Hulyo 2, 2020
Sinampahan ng kasong kriminal si Andrey dahil sa pag-oorganisa daw ng mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon
Hulyo 12, 2020
Hinalughog ng mga pulis ng FSB ang bahay at lugar na pinagtatrabahuhan ni Andrey. Kinumpiska nila ang elektronikong mga gadyet at mga Bibliya. Idinitine siya, at pinagtatanong naman ng mga imbestigador ang asawa niyang si Nataliya
Hulyo 14, 2020
Pinalaya mula sa pagkakaditine pero inilagay sa house arrest
Hunyo 9, 2021
Nagsimula ang paglilitis
Profile
Isang pribilehiyo nga na maging kamanggagawa si Andrey at ang iba pa nating mga kapatid sa Russia at Crimea habang masaya silang naninindigang matatag sa kanilang pananampalataya.—2 Corinto 1:24.