PEBRERO 5, 2024 | UPDATED: OKTUBRE 9, 2024
RUSSIA
UPDATE—PINAGMULTA ANG KAPATID | “Ipagkatiwala Mo kay Jehova ang Landasin Mo”
Noong Oktubre 7, 2024, hinatulan ng Shadrinskiy District Court of the Kurgan Region si Brother Aleksandr Lubin at pinagmulta ng 500,000 ruble ($5,180 U.S.).
Profile
Gaya ni Aleksandr, nagtitiwala tayo na kahit hirap na hirap tayo, makakapagtiis tayo kung aasa tayo sa tulong ni Jehova.—Isaias 38:14.
Time Line
Hulyo 13, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal
Hulyo 14, 2021
Hinalughog ang walong bahay ng mga Saksi ni Jehova. Inaresto si Aleksandr, pinagtatanong, at pansamantalang ikinulong
Hulyo 16, 2021
Inilipat sa pretrial detention center
Hulyo 19, 2021
Umapela dahil sa malubhang sakit
Agosto 28, 2021
Dahil sa kahilingan ng European Court of Human Rights at ng mga human rights activist, pinalaya si Aleksandr pero pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Hulyo 14, 2023
Nagsimula ang paglilitis
Setyembre 7, 2023
Ipinagpaliban ang pagdinig ng korte dahil naospital si Aleksandr