ABRIL 20, 2023 | UPDATED: AGOSTO 14, 2024
RUSSIA
UPDATE—PINAGMULTA ANG KAPATID | Napapatibay si Brother Okhapkin sa Pagmamasid sa mga Nilalang
Noong Agosto 13, 2024, hinatulan ng Kineshemskiy City Court of the Ivanovo Region si Brother Andrey Okhapkin. Pinagmulta siya ng 540,000 ruble ($6,064 U.S.).
Profile
Gaya ni Andrey, nagpapasalamat tayo sa “kamangha-manghang mga gawa ng Diyos,” na nagpapaalala sa atin ng Kaniyang maibiging pangangalaga.—Job 37:14.
Time Line
Nobyembre 18, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal
Nobyembre 23, 2021
Hinalughog ang anim na bahay ng mga Saksi ni Jehova, pati ang bahay ni Andrey. Inaresto at inilagay sa temporary detention
Nobyembre 24, 2021
Inakusahan ng korte ng paggawa ng isang krimen
Nobyembre 25, 2021
Dinala sa pretrial detention
Pebrero 17, 2022
Pinalaya mula sa pretrial detention at inilagay sa house arrest
Hulyo 14, 2022
Pinalaya mula sa house arrest at pinagbawalang magbiyahe
Disyembre 15, 2022
Nagsimula ang paglilitis