AGOSTO 30, 2022| UPDATED: AGOSTO 8, 2023
RUSSIA
UPDATE—PINAGMULTA ANG KAPATID | “Patuloy na Magtiwala kay Jehova”
Noong Agosto 3, 2023, hinatulang nagkasala ng Bikinskiy City Court of the Khabarovsk Territory si Brother Sergey Kazakov. Pinagmumulta siya ng 500,000 rubles ($5,186 U.S.).
Time Line
Nobyembre 9, 2020
Sinampahan ng kasong kriminal. Kinasuhan dahil sa pag-oorganisa ng ekstremistang mga gawain
Disyembre 21, 2020
Hinalughog ng Investigative Committee at ng mga pulis ng FSB ang 10 bahay, kasama na ang bahay ni Sergey. Inaresto siya at inilagay sa temporary detention center
Disyembre 23, 2020
Inilagay sa pretrial detention center
Hunyo 4, 2021
Pinalaya mula sa kulungan at inilagay sa house arrest
Agosto 5, 2021
Pinalaya mula sa house arrest
Pebrero 28, 2022
Nagsimula ang paglilitis. Noong panahon ng preliminary hearing, ibinalik ng hukom ang kaso sa prosecutor’s office dahil sa maling proseso sa bahagi ng prosecution
Abril 28, 2022
Binaligtad ng hukom ang desisyon na ibalik ang kaso sa prosecutor at inutusan ang orihinal na korte na simulan ulit ang paglilitis
Hunyo 14, 2022
Nagsimula ulit ang paglilitis
Profile
Habang patuloy na nagtitiwala si Sergey kay Jehova, masasabi rin natin ang pananalita sa Awit 31:14: “Nagtitiwala ako sa iyo, O Jehova. Sinasabi ko: ‘Ikaw ang Diyos ko.’”