Pumunta sa nilalaman

Mula kaliwa pakanan: Sina Brother Aleksandr Vasichkin, Sergey Galyamin, Anatoliy Lyamo, at Vladimir Spivak

MAYO 30, 2023 | UPDATED: Marso 6, 2024
RUSSIA

UPDATE—PINAGMULTA ANG MGA KAPATID | Damang-dama ng mga Brother sa Teykovo ang Suporta ni Jehova

UPDATE—PINAGMULTA ANG MGA KAPATID | Damang-dama ng mga Brother sa Teykovo ang Suporta ni Jehova

Noong Pebrero 29, 2024, hinatulang may-sala ng Teykovskiy District Court of the Ivanovo Region sina Brother Sergey Galyamin, Anatoliy Lyamo, Vladimir Spivak, at Aleksandr Vasichkin. Pinatawan ng multa ang bawat isa sa kanila. Pinagmumulta si Vladimir ng 600,000 rubles ($6,564 U.S.), 650,000 rubles ($7,111 U.S.) naman ang pataw kay Sergey, at tig-1,100,000 rubles ($12,034 U.S) kina Aleksandr at Anatoliy.

Profile

Alam natin na anumang pagsubok ang dumating sa sistemang ito, pansamantala lang ang mga ito kumpara sa walang hanggang mga pagpapala na ibibigay ni Jehova sa tapat na mga lingkod niya.—2 Corinto 4:17, 18.

Time Line

  1. Abril 10, 2020

    Sinampahan ng kasong kriminal

  2. Abril 11, 2020

    Hinalughog ang mga bahay

  3. Abril 16, 2020

    Pinagbawalang magbiyahe

  4. Pebrero 2, 2023

    Nagsimula ang paglilitis