Pumunta sa nilalaman

Kaliwa: Si Brother Sergey Gobozev; Kanan: Si Brother Mikhail Potapov at ang asawa niyang si Tamara

MAYO 3, 2022 | UPDATED: MARSO 26, 2024
RUSSIA

UPDATE—PINAGMULTA ANG MGA KAPATID | Pinatibay ng Panalangin

UPDATE—PINAGMULTA ANG MGA KAPATID | Pinatibay ng Panalangin

Noong Marso 25, 2024, hinatulan ng Votkinskiy District Court of the Udmurtian Republic sina Brother Sergey Gobozev at Mikhail Potapov. Pinagmumulta si Sergey ng 450,000 ruble ($4,855 U.S.) at 400,000 ruble ($4,316 U.S.) naman para kay Mikhail.

Time Line

  1. Enero 20, 2021

    Nagsampa ang mga awtoridad ng kasong kriminal laban kina Sergey at Mikhail; inakusahan sila ng pag-oorganisa ng gawain ng ekstremistang organisasyon

  2. Enero 21, 2021

    Hinalughog ang apartment ni Sergey. Kinuha ng mga awtoridad ang personal na mga gamit niya, gaya ng lisensiya niya sa pagmamaneho, mga dokumento sa kotse, elektronikong mga gadyet, photo album, at iba’t ibang salin ng Bibliya. Inaresto ng mga awtoridad si Mikhail at hinalughog ang bahay niya

  3. Enero 22, 2021

    Inilagay sa house arrest si Sergey. Inilipat si Mikhail sa isang pretrial detention facility

  4. Mayo 18, 2021

    Pinalaya si Sergey sa house arrest pero may restriksiyon pa rin siya sa puwedeng puntahan

  5. Mayo 19, 2021

    Pinalaya si Mikhail mula sa pretrial detention at may restriksiyon pa rin siya sa puwedeng puntahan

  6. Oktubre 7, 2021

    Nagsimula ang paglilitis

Profile

Nagtitiwala tayo na patuloy na susuportahan ni Jehova sina Sergey at Mikhail habang sinisikap nilang patibayin ang pananampalataya nila sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya at pananalangin.—Colosas 2:6, 7.