Pumunta sa nilalaman

Kaliwa pakanan: Brother Oleg Konshin, Brother Sergey Malyanov, at Sister Svetlana Malyanova

NOBYEMBRE 28, 2022| UPDATED: ABRIL 27, 2023
RUSSIA

UPDATE—PINAGMULTA | Panatag Dahil sa Lubusang Pagtitiwala kay Jehova

UPDATE—PINAGMULTA | Panatag Dahil sa Lubusang Pagtitiwala kay Jehova

Noong Abril 26, 2023, hinatulan ng Leninskiy District Court of Nizhny Novgorod sina Brother Oleg Konshin, Sergey Malyanov, Roman Zhivolupov, a at si Sister Svetlana Malyanova, anak ni Sergey. Pinatawan sila ng multa mula 450,000 rubles ($5,494 U.S.) hanggang 700,000 rubles ($8,546 U.S.).

Mga Profile

Ang mga kapatid natin na nananatiling tapat sa kabila ng pag-uusig ay patunay na ang mga “umaasa kay Jehova” ay magiging ‘malakas ang loob at matatag.’—Awit 27:14.

Time Line

  1. Pebrero 7, 2019

    Binigyan ng isang hukom ang mga pulis ng awtoridad na i-monitor ang mga tawag ni Sergey sa telepono at iba pang elektronikong gadyet

  2. Hulyo 16-17, 2019

    Hinalughog ng mga pulis ang mga bahay ng 31 pamilya ng mga Saksi ni Jehova sa Nizhny Novgorod at sa Nizhny Novgorod Region. Inaresto sina Oleg, Sergey, at Svetlana at dinala sa isang temporary detention center. Sinampahan sila ng kasong kriminal

  3. Hulyo 18, 2019

    Pinalaya sina Oleg, Sergey, at Svetlana sa detention center. Pinagbawalan ng korte ang dalawang brother na umalis ng kanilang bahay sa ilang panahon, makipag-usap sa isa’t isa, o gumamit ng Internet

  4. Agosto 24, 2021

    Inakusahan si Roman na nakikibahagi sa mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon at pinagbawalang magbiyahe

  5. Marso 3, 2022

    Nagsimula ang paglilitis

a b Walang makuhang litrato ni Brother Roman Zhivolupov nang ilathala ang artikulong ito.