Pumunta sa nilalaman

Mula sa kaliwa pakanan: Sina Brother Maksim Amosov, Mikhail Gordeev, Nikolay Leshchenko, at Dmitriy Ravnushkin

PEBRERO 21, 2022| UPDATED: HULYO 31, 2023
RUSSIA

UPDATE—PINAGMULTA | Pinatibay ng mga Brother ang Kanilang Pananampalataya sa Tulong ng mga Kapuwa Saksi

UPDATE—PINAGMULTA | Pinatibay ng mga Brother ang Kanilang Pananampalataya sa Tulong ng mga Kapuwa Saksi

Noong Hulyo 28, 2023, hinatulang nagkasala ng Petrozavodsk City Court of the Republic of Karelia sina Brother Maksim Amosov, Mikhail Gordeev, Nikolay Leshchenko, at Dmitriy Ravnushkin. Pinagmumulta sila ng mga halagang 450,000 rubles ($4,909 U.S.) hanggang 500,000 rubles ($5,455 U.S.).

Time Line

  1. Hulyo 31, 2019

    Hinalughog ng mga opisyal ng FSB ang mga bahay at pinagtatrabahuhan ng 16 na Saksi ni Jehova

  2. Agosto 2, 2019

    Pinagbawalan ng imbestigador si Maksim na umalis ng bansa. Inimbestigahan ng mga awtoridad si Nikolay at pinagbawalang umalis ng kanilang lugar

  3. Agosto 6, 2019

    Inakusahan ng imbestigador sina Maksim at Nikolay ng “krimen” dahil sa pag-aaral ng Bibliya

  4. Setyembre 5, 2019

    Inaresto ng mga opisyal ng FSB si Mikhail sa kaniyang pinagtatrabahuhan at kinuha ang computer niya. Sinampahan ng kasong kriminal si Mikhail

  5. Setyembre 20, 2019

    Hinalughog ng mga opisyal ng FSB ang pinagtatrabahuhan ni Dmitry at kinuha ang phone niya. Apat na oras na pinagtatanong ng imbestigador si Dmitry, sinampahan ng kasong kriminal, at pinagbawalang umalis ng kanilang lugar

  6. Oktubre 18, 2021

    Nagsimula ang paglilitis

Profile

Natutuwa tayo dahil patuloy na lumalakad sa katotohanan ang ating mga kapatid sa Russia sa kabila ng pag-uusig.​—3 Juan 4.

a b Walang nakuhang personal na mga komento.