PEBRERO 3, 2022 | UPDATED: HULYO 20, 2023
RUSSIA
UPDATE—PINALAYA ANG KAPATID | Nakatulong kay Brother Aleksey Ukhov ang Araw-Araw na Pagbabasa ng Bibliya at Pagbubulay-bulay Para Magtiwala kay Jehova
Noong Hulyo 18, 2023, binago ng Khabarovsk Territory Court ang sentensiya kay Brother Aleksey Ukhov na anim-at-kalahating-taóng pagkabilanggo. Pinalitan ito ng anim-at-kalahating-taóng suspended prison sentence. Inilabas agad siya ng bilangguan pagkababa ng bagong hatol.
Noong Marso 24, 2023, hinatulan ng Sovetsko-Gavansky City Court ng Khabarovsk Territory si Aleksey at sinentensiyahan ng anim-at-kalahating-taóng pagkabilanggo. Agad siyang ikinulong mula sa courtroom.
Time Line
Oktubre 22, 2020
Hinalughog ng mga opisyal ng FSB ang bahay ng mga Ukhov. Kinuha ng mga opisyal ang elektronikong mga gadyet, flash drive, SIM card, bank card, personal na mga dokumento, at inimprentang mga publikasyon nila. Ikinulong siya ng mga imbestigador sa isang temporary detention center
Oktubre 23, 2020
Iniutos ng korte na ikulong siya sa pretrial detention center
Hulyo 9, 2021
Pinalaya pero pinagbawalang umalis sa Komsomolsk-on-Amur, kung saan siya nakulong
Setyembre 6, 2021
Nagsimula ang paglilitis
Profile
Alam natin na patuloy na gagantimpalaan ni Jehova si Aleksey dahil “ipinagkatiwala [niya] ang sarili niya sa Diyos na humahatol nang matuwid.”—1 Ped. 2:23.