Pumunta sa nilalaman

Kaliwa: Si Brother Yuriy Baranov at ang asawa niyang si Nadezhda. Kanan: Si Brother Nikolay Stepanov at ang asawa niyang si Alla

HUNYO 8, 2022
RUSSIA

UPDATE—PINALAYA ANG KAPATID | Suportado ng mga Kapananampalataya

UPDATE—PINALAYA ANG KAPATID | Suportado ng mga Kapananampalataya

Noong Nobyembre 10, 2022, inilabas ng Vologda Regional Court ang hatol nito sa apela nina Brother Yuriy Baranov at Nikolay Stepanov. Hindi nagbago ang sentensiya kay Yuriy. Ang sentensiya naman kay Nikolay ay naging apat-na-taóng suspended prison sentence na lang mula sa apat-na-taóng pagkabilanggo. Agad siyang pinalaya.

Noong Setyembre 5, 2022, hinatulan ng Vologda City Court sina Yuriy at Nikolay. Pinatawan si Yuriy ng apat-na-taóng suspended prison sentence. Hindi siya makukulong sa ngayon. Nasentensiyahan namang mabilanggo si Nikolay nang apat na taon. Agad siyang ikinulong.

Time Line

  1. Disyembre 19, 2019

    Ni-raid ng mga pulis ang mga bahay ng anim na pamilya ng mga Saksi ni Jehova sa Vologda. Inaresto sina Yuriy at Nikolay at inilagay sa temporary detention center

  2. Disyembre 20, 2019

    Pinalaya si Yuriy at inilagay sa house arrest

  3. Disyembre 23, 2019

    Inilagay sa pretrial detention si Nikolay

  4. Marso 16, 2020

    Pinalaya si Yuriy mula sa house arrest pero may restriksiyon sa pakikipag-usap sa iba na kasangkot sa kaniyang kriminal na kaso at sa paggamit ng telepono at Internet

  5. Mayo 19, 2020

    Inalis ang mga restriksiyon kay Yuriy

  6. Agosto 13, 2020

    Pinalaya si Nikolay mula sa kulungan at inilagay sa house arrest

  7. Setyembre 25, 2020

    Pinalaya si Nikolay mula sa house arrest

  8. Marso 7, 2022

    Nagsimula ang paglilitis

Profile

Nakakapagpatibay ng pananampalataya na makitang patuloy na nananatiling tapat ang ating mga kapatid sa kabila ng pag-uusig.—1 Tesalonica 3:7.