Pumunta sa nilalaman

Si Brother Andrey Zhukov

HUNYO 7, 2022| UPDATED: AGOSTO 8, 2023
RUSSIA

UPDATE—PINAWALANG-SALA ANG KAPATID | Kumbinsido sa Pag-ibig at Suporta ni Jehova

UPDATE—PINAWALANG-SALA ANG KAPATID | Kumbinsido sa Pag-ibig at Suporta ni Jehova

Noong Agosto 7, 2023, pinawalang-sala ng Yugorskiy District Court of the Khanty-Mansi Autonomous Area—Yugra si Brother Andrey Zhukov sa lahat ng kasong isinampa sa kaniya.

Time Line

  1. Agosto 17, 2020

    Nagsampa ng kasong kriminal ang mga awtoridad laban kay Andrey, at inaakusahan siya ng pagsasagawa ng lihim na mga pagtitipon ng isang “ekstremistang” organisasyon

  2. Agosto 19, 2020

    Ni-raid ang siyam na bahay ng mga Saksi ni Jehova, kasama ang bahay ni Andrey. Pansamantala siyang idinitine

  3. Agosto 20, 2020

    Pinalaya at inilagay sa recognizance agreement

  4. Enero 14, 2021

    Isinama sa listahan ng mga ekstremista, at hindi niya puwedeng gamitin ang pera niya sa bangko

  5. Agosto 4, 2021

    Inakusahan si Andrey ng mga awtoridad ng iba pang bagay, pati ang “pananalangin sa Diyos na Jehova, pagdaraos ng relihiyosong seremonya, at pag-aaral ng relihiyosong mga publikasyon.” Pagkatapos, pinagtatanong na siya

  6. Oktubre 15, 2021

    Ipinagkait ang mga kahilingan na wakasan ang kasong kriminal

  7. Disyembre 29, 2021

    Nagsimula ang paglilitis ng korte

Profile

Ang suporta na ibinibigay ni Jehova kay Andrey at sa mahal nating mga kapatid na nagtitiis ng pag-uusig ay ‘katibayan ng kaniyang kabutihan’ at na siya ang isa na “tumutulong at umaaliw.”​—Awit 86:17; talababa.