Pumunta sa nilalaman

Si Brother Pyotr Krupnov at ang asawa niyang si Maya

ENERO 4, 2022
RUSSIA

UPDATE | Paghahanda at Pag-asa, Nakatulong kay Brother Pyotr Krupnov at sa Asawa Niyang si Maya

UPDATE | Paghahanda at Pag-asa, Nakatulong kay Brother Pyotr Krupnov at sa Asawa Niyang si Maya

Noong Marso 9, 2022, ibinasura ng Penza Regional Court ang apela ni Brother Pyotr Krupnov at ng asawa niyang si Maya. Hindi nila kailangang makulong sa ngayon.

Time Line

  1. Disyembre 30, 2021

    Hinatulang nagkasala ng Nikolskiy District Court ng Penza Region si Pyotr at ang asawa niyang si Maya at pinatawan sila ng tatlong-taóng suspended prison sentence

  2. Oktubre 25, 2021

    Nagsimula ang paglilitis

  3. Oktubre 12, 2021

    Isinama ang pangalan nina Pyotr at Maya sa listahan ng mga terorista at ekstremista dahil sa pakikipag-usap tungkol sa relihiyosong mga bagay sa kanilang mga kaibigan

  4. Setyembre 15, 2021

    Sinampahan ng kasong kriminal si Maya. Pagkatapos, kinasuhan din si Pyotr

  5. Oktubre 11, 2020

    Hinalughog ng mga pulis ang mga bahay ng apat na Saksi ni Jehova sa Nikolsk, kasama na ang bahay ng mga Krupnov

Profile

Napapatibay tayo ng halimbawa nina Pyotr at Maya na nananatiling matatag sa kanilang pag-asa at nagtitiwala kay Jehova.—Hebreo 6:19.