Pumunta sa nilalaman

Si Brother Andrey Ledyaykin

NOBYEMBRE 18, 2021
RUSSIA

UPDATE | Pakikipagkaibigan kay Jehova at sa mga Kapatid—Nakatulong kay Brother Andrey Ledyaykin na Manatiling Matatag

UPDATE | Pakikipagkaibigan kay Jehova at sa mga Kapatid—Nakatulong kay Brother Andrey Ledyaykin na Manatiling Matatag

Noong Abril 26, 2022, hinatulan ng Seversk City Court of the Tomsk Region si Brother Andrey Ledyaykin at sinentensiyahang makulong nang 26 na buwan. Agad siyang ikinulong.

Time Line

  1. Hulyo 12, 2021

    Nagsimula ang paglilitis

  2. Marso 30, 2021

    Inakusahan ng pakikibahagi sa ekstremistang mga gawain

  3. Marso 29, 2021

    Pinagbawalang magbiyahe

  4. Marso 25, 2021

    Sinampahan ng kasong kriminal si Andrey. Dahil dito, nasesante siya sa trabaho

  5. Hulyo 14, 2020

    Inaresto ng mga opisyal ng Federal Security Service (FSB) at ng dalawang pulis si Andrey sa lugar ng trabaho niya. Nang maglaon, hinalughog nila ang bahay niya nang 12 oras

  6. Marso-April 2020

    Isang agent ng FSB ang nagkunwaring interesado sa Bibliya at palihim na kinunan ng video ang pakikipag-usap kay Andrey at sa ibang mga kapatid

Profile

Napapatibay tayong makita na sa kabila ng mga problemang nararanasan ni Andrey, “espesyal” siyang pinangangalagaan.—Awit 4:3.