Pumunta sa nilalaman

Itaas (kaliwa pakanan): Sina Brother Aleksey Dyadkin, Aleksey Goreliy, at Nikita Moiseyev

Ibaba (kaliwa pakanan): Sina Brother Vladimir Popov, Yevgeniy Razumov, at Oleg Shidlovskiy

MARSO 24, 2022
RUSSIA

UPDATE | Sinuportahan ni Jehova ang mga Pamilya ng Anim na Brother na Nakakulong

UPDATE | Sinuportahan ni Jehova ang mga Pamilya ng Anim na Brother na Nakakulong

Noong Setyembre 19, 2022, hinatulan ng Gukovo City Court of the Rostov Region sina Brother Aleksey Dyadkin, Aleksey Goreliy, Nikita Moiseyev, Vladimir Popov, Yevgeniy Razumov, at Oleg Shidlovskiy. Sinentensiyahan sina Brother Goreliy at Shidlovskiy na mabilanggo nang anim at kalahating taon. Sinentensiyahan naman ng pitong-taóng pagkabilanggo sina Brother Dyadkin, Moiseyev, Popov, at Razumov. Agad silang mabibilanggo.

Time Line

  1. Agosto 8, 2020

    Hinalughog ng mga opisyal ng FSB ang 17 bahay ng mga Saksi ni Jehova sa tatlong lunsod sa Rostov Region at sa lunsod ng Kursk. Sina Brother Goreliy, Moiseyev, Razumov, at Shidlovskiy ay inaresto at dinala sa pretrial detention center nang sumunod na araw. Ang pangalan ni Brother Popov ay inilagay sa wanted list ng gobyerno

  2. Agosto 12, 2020

    Inaresto ng mga opisyal ng FSB si Brother Popov. Dinala siya sa pretrial detention center makalipas ang dalawang araw

  3. Agosto 21, 2020

    Pagkatapos pagtatanungin, dinala si Brother Dyadkin sa pretrial detention center

  4. Hunyo 28, 2021

    Dinalaw ng isang abogado ang anim na brother sa pretrial detention center. Sinabi nila sa kaniya ang napakahirap na kalagayan nila—umaabot nang hanggang 40 degrees Celsius sa loob ng selda, may amag sa mga dingding, at may mga bilanggo na may COVID-19

  5. Hulyo 21, 2021

    Nahirapang huminga si Brother Popov kaya dinala siya sa isang medical unit sa ibang detention center. Nang maglaon, inilipat siya sa isang ospital

  6. Setyembre 30, 2021

    Ibinalik si Brother Popov sa pretrial detention center pagkatapos maospital nang mahigit dalawang buwan

  7. Nobyembre 17, 2021

    Nagsimula ang paglilitis; hindi pa rin pinalaya ang anim na kapatid

Profile

Patuloy nawa nating ipanalangin kay Jehova ang mga kapatid nating ito at ang kanilang mga pamilya. Nagtitiwala tayo na papalakasin sila ni Jehova at papatibayin ang kanilang pananampalataya.—Roma 15:30.

a b c d e f Nasa pretrial detention center pa ang anim na brother kaya hindi sila posibleng hingan ng komento.