Pumunta sa nilalaman

MAYO 12, 2021
RUSSIA

UPDATE | Sister Svetlana Monis, Natalo sa Kaniyang Apela

UPDATE | Sister Svetlana Monis, Natalo sa Kaniyang Apela

Noong Marso 9, 2022, ibinaligtad ng Court of the Jewish Autonomous Region ang hatol laban kay Sister Svetlana Monis. Dadalhin na ngayon ang kaso niya sa Birobidzhansky District Court sa Jewish Autonomous Region para sa muling paglilitis.

Noong Mayo 12, 2021, hindi tinanggap ng Court of the Jewish Autonomous Region ang apela ni Svetlana. Sa halip, pinaboran ng korte ang apela ng prosecutor na baguhin ang unang naging hatol sa kaniya. Imbes na pagmultahin siya ng 10,000 ruble ($135 U.S.), pinatawan siya ng suspended prison sentence na dalawang taon at anim na buwan. Hindi niya kailangang makulong ngayon.