HUNYO 21, 2021
RUSSIA
UPDATE | Sister Tatyana Sholner, Nagtitiwala kay Jehova at Masaya Kahit Pinag-uusig
Noong Setyembre 14, 2022, hindi tinanggap ng Ninth General Jurisdiction Court of Cassation ang ikalawang apela ni Sister Tatyana Sholner. Hindi niya kailangang makulong sa ngayon.
Noong Disyembre 16, 2021, hindi tinanggap ng Court of the Jewish Autonomous Region ang apela ni Sister Tatyana Sholner.
Noong Hunyo 25, 2021, hinatulan ng Birobidzhan District Court of the Jewish Autonomous Region si Sister Tatyana at pinatawan ng 30-buwang suspended prison sentence.
Profile
Tatyana Sholner
Ipinanganak: 1993 (Birobidzhan)
Maikling Impormasyon: Namatay ang tatay niya noong bata pa siya, kaya ang nanay niya ang nagpalaki sa kaniya at sa kapatid niyang lalaki. Nagtatrabaho sa isang botika. Mahilig mag-ice skating, magbisikleta, at maglaro ng volleyball
Nagkaroon ng interes sa Bibliya habang nag-aaral ng pananahi sa isang technical college dahil sa isang kaklase niya na Saksi ni Jehova. Naaliw siya ng pag-asa ng pagkabuhay-muli nang mamatay ang pinsan niyang 12 taóng gulang noong 2014. Nabautismuhan noong 2017
Kaso
Noong Pebrero 6, 2020, sinampahan ng kasong kriminal ng mga awtoridad sa Russia sa Birobidzhan ang anim na Kristiyanong sister, kasama ang 27-taóng-gulang na si Tatyana. Siya, kasama ang iba pa, ay kinasuhan ng “ekstremismo” dahil sa pagsasagawa ng kaniyang paniniwala. May 19 na kaso na isinampa laban sa mga Saksi ni Jehova sa Jewish Autonomous Region.
Kumbinsido si Tatyana na tinutulungan siya ni Jehova na matiis ang pag-uusig na ito. Sinabi niya: “Nang magsimula ang pag-uusig, hindi na ako makapaglingkod gaya nang dati, pero hindi ko nakalimutang basahin ang Bibliya. Sinabi ko kay Jehova ang lahat ng nararamdaman ko at mga gumugulo sa isip ko. Humingi ako ng banal na espiritu para matiis ko ang lahat ng bagay at manatiling tapat sa kaniya hanggang sa wakas. At nanalangin ako para sa katapangan, lakas ng loob, at karunungan para maipagtanggol ko sa korte ang pangalan ng Diyos.”
Sinabi pa niya: “Dahil laging tinutulungan at pinoprotektahan ni Jehova ang mga lingkod niya, nakatulong ito sa akin na manatiling masaya. Hinahawakan ako ni Jehova ng kaniyang kanang kamay. Tumutulong ito sa akin na buong-pusong magtiwala sa kaniya at manatiling kalmado sa harap ng mga pagsubok.”—Isaias 41:10.
Habang hinihintay ang desisyon ng korte, nagtitiwala tayo na sa tulong ni Jehova, si Tatyana ay patuloy na ‘magtitiis habang nagdurusa.’—Roma 12:12.