Pumunta sa nilalaman

Mula kaliwa pakanan: Sina Sister Irina Sidorova, Sister Matrena Spiriadi, at Brother Aleksandr Vergunov

DISYEMBRE 28, 2021
RUSSIA

UPDATE | Tapat na mga Saksi—Nagtitiwala sa Tulong ni Jehova

UPDATE | Tapat na mga Saksi—Nagtitiwala sa Tulong ni Jehova

Noong Abril 4, 2022, hinatulan ng Abakan City Court of the Republic of Khakassia si Sister Matrena Spiriadi at Brother Aleksandr Vergunov. Sila kapuwa ay tumanggap ng dalawa at kalahating taon na suspended prison sentence. Nakakalungkot, si Sister Irina Sidorova, na dating kasali rin sa kaso, ay namatay na. Hindi kailangang makulong ngayon nina Matrena at Aleksandr.

Time Line

  1. Marso 30, 2021

    Hinalughog ng mga pulis ang mga bahay nina Matrena and Aleksandr

  2. Hulyo 17, 2020

    Namatay si Irina pagkatapos maoperahan

  3. Mayo 20, 2020

    Sumailalim sa interogasyon ng mga awtoridad si Irina, pinaghinalaang sangkot siya sa tinatawag nilang ekstremistang gawain

  4. Mayo 19, 2020

    Sumailalim sa interogasyon ng mga awtoridad si Aleksandr, pinaghinalaang sangkot siya sa tinatawag nilang ekstremistang gawain

  5. Abril 20, 2020

    Sinampahan ng kasong kriminal sina Aleksandr, Irina, at Matrena

Profile

Nagtitiwala tayo na nakikita at pinahahalagahan ng ating Diyos na Jehova ang bawat isa sa kaniyang tapat na mga lingkod. Alam natin na hinding-hindi niya pababayaan ang mahal niyang mga lingkod.—Isaias 49:15.