MAYO 12, 2021
RUSSIA
UPDATE | Tatlong Brother, Nagtitiis Nang Napakatagal na Pagkabilanggo Bago Pa Litisin
Noong Hunyo 23, 2022, ibinasura ng Fourth General Jurisdiction Court of Cassation ang ikalawang apela nina Brother Vilen Avanesov at Aleksandr Parkov. Sinunod ng korte ang kahilingan ng prosecutor na ibalik ang kaso ni Brother Arsen Avanesov sa unang apela. Kung sakali, posibleng maging mas mabigat ang sentensiya kay Arsen. Nakabilanggo pa rin ang tatlong brother.
Noong Disyembre 6, 2021, ibinasura ng Rostov Regional Court ang apela nina Arsen, Vilen, at Aleksandr. Nakabilanggo pa rin sila.
Noong Hulyo 29, 2021, sinentensiyahan ng Leninskiy District Court ng Rostov-on-Don sina Arsen at Aleksandr ng anim-at-kalahating-taóng pagkakabilanggo at si Vilen, anim na taon. Lahat sila ay dalawang taon nang nakakulong sa pretrial detention at mananatiling nakabilanggo.
Profile
Arsen Avanesov
Ipinanganak: 1983 (Baku, Azerbaijan)
Maikling Impormasyon: Nag-aral ng engineering at nagtrabaho sa konstruksiyon. Noong bata pa siya, mahilig siyang maglaro ng rugby. Nag-aral ng English at French
Tinulungan siya ng mga magulang niya na pahalagahan ang Bibliya. Nabautismuhan bilang Saksi ni Jehova noong 2005
Vilen Avanesov
Ipinanganak: 1952 (Baku, Azerbaijan)
Maikling Impormasyon: Nagtrabaho bilang isang electrician at isang builder. Mahilig magluto, gumawa ng tinapay, at magbasa. Isa sa paborito niyang basahin noong bata pa siya ang Bibliya
Napangasawa si Stella noong 1980. Mayroon silang isang anak na lalaki, si Arsen, at isang anak na babae, si Elina. Lumikas ang pamilya bilang mga refugee sa Armenia noong 1988. Nang taon ding iyon, dahil sa lindol sa Yerevan, Armenia, at sa lumalalang kalagayan sa ekonomiya, napilitang lumipat ang pamilya. Lumipat sila sa Rostov-on-Don, Russia. Nabautismuhan siya noong 2006
Aleksandr Parkov
Ipinanganak: 1967 (Spassk, Kemerovo Region)
Maikling Impormasyon: Mula pagkabata, natutong magsaka sa bukid at mag-alaga ng mga hayop. Nagtrabaho bilang operator ng traktora at isang magaling na panday-tanso
Napangasawa si Galina noong 1990. Magkasama silang nag-Bible study. Nabautismuhan siya noong 1992. Mayroon silang tatlong anak na babae at dalawang apo
Kaso
Noong Mayo 22, 2019, ni-raid ng mga pulis ang ilang bahay ng mga Saksi ni Jehova sa Rostov-on-Don. Si Brother Vilen Avanesov at ang anak niyang si Arsen, pati na si Brother Aleksandr Parkov, ay ikinulong nang halos dalawang taon bago pa litisin. Noong Marso 2021, ang tatlong brother ay inilipat sa ibang kulungan.
Pinagbawalan si Stella na makita ang asawa niyang si Vilen at ang anak niya. Wala rin siyang mapagkakakitaan. Ang asawa ni Aleksandr na si Galina ay inusig din dahil sa kaniyang pananampalataya. Pinatawan siya ng korte ng suspended prison sentence na dalawang taon at tatlong buwan.
Talagang nalulungkot ang mga kapatid sa buong mundo sa di-makatarungang mga pag-aresto na ito. Patuloy nating “alalahanin ang mga nasa bilangguan, na para bang nakabilanggo [tayong] kasama nila.”—Hebreo 13:3.