HULYO 14, 2016
RUSSIA
Diringgin ng Korte ang Apela ng mga Saksi Laban sa Bantang Ipasara ang Kanilang Punong-Tanggapan sa Russia
Tinanggap ng Tver District Court ng Moscow ang apela ng mga Saksi laban sa nagbababalang liham ng Prosecutor General na nagbabantang ipasara ang kanilang tanggapang pambansa. Diringgin ng korte ang kaso sa Hulyo 18, 2016, para pagpasiyahan kung kaayon ng batas ang babala.
Sa isa pang pagkilos laban sa mga Saksi ni Jehova sa Russia, nagsampa ng kaso ang mga kinatawan ng Regional Assembly sa Arkhangelsk kay Aleksandr Konovalov, ang Minister of Justice. Hinihiling nila sa gobyerno na gumawa ng batas para ipagbawal ang relihiyosong gawain ng mga Saksi at ang lahat ng legal na korporasyon ng mga ito sa buong bansa.