Pumunta sa nilalaman

MAYO 1, 2018
RUSSIA

Pagdinig sa Apela Para Hindi Kumpiskahin ang Dating Pag-aari ng Sangay sa Russia

Pagdinig sa Apela Para Hindi Kumpiskahin ang Dating Pag-aari ng Sangay sa Russia

Sa Huwebes, Mayo 3, 2018, sa ganap na 11:30 a.m., diringgin ng Saint Petersburg City Court ang ating apela laban sa desisyon noong Disyembre 2017 na magpapahintulot sa mga awtoridad na kumpiskahin ang ating dating mga pasilidad ng sangay sa Russia. Kung ipagkakait ang apela, ang 14 na gusali ay maaaring kumpiskahin agad ng Estado.