OKTUBRE 4, 2017
RUSSIA
Nagdesisyon ang Appellate Court na Panatilihing Nakakulong si Dennis Christensen Bago ang Paglilitis
Noong Setyembre 28, 2017, pagkatapos ng tatlong-oras na pagdinig, ipinagkait ng Oryol Regional Court ang apela na palayain si Dennis Christensen, isang taga-Denmark na Saksi ni Jehova. Mananatili siyang nakakulong bago pa ang paglilitis sa Nobyembre 23, 2017.
Sa pagdinig kay Mr. Christensen noong Hulyo, di-makatarungang pinalawig ng mababang hukuman ang pagkakulong niya hanggang Nobyembre, para daw makapagtipon ang prosecution ng “ebidensiya” laban sa kaniya sa paratang na ekstremismo. Ang mga abogado ni Mr. Christensen ay nagsampa ng kaso sa European Court of Human Rights (ECHR), at noong Setyembre 4, 2017, sinuri ng ECHR ang kaso sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga tanong sa Russia may kaugnayan sa paglabag sa mga karapatan ni Mr. Christensen.
Ang kaso ni Mr. Christensen ay nakatawag-pansin ng mga bansa dahil isa ito sa kauna-unahang kaso mula noong panahong Sobyet kung saan ibinilanggo ng Russia ang isang Saksi dahil sa pagsasagawa ng kaniyang pananampalataya.