AGOSTO 22, 2018
RUSSIA
Mula Bilangguan Tungo sa House Arrest
Noong Agosto 3, 2018, nagdesisyon si Judge Inna Yangubayeva ng Leninsky District Court ng Orenburg, Russia, na ilagay sa house arrest sina Brother Vladimir Kochnev at Brother Aleksandr Suvorov pagkatapos silang ikulong nang 78 araw. Nang araw ding iyon, inilagay rin ng Magadan Regional Court si Brother Konstantin Petrov sa house arrest pagkatapos makulong nang 64 na araw. Bagaman nagpapasalamat tayo na hindi na nakakulong ang tatlong brother, hinihintay pa rin ang kanilang paglilitis, at kung mahatulan, maaari silang makulong nang hanggang 10 taon.
Hanggang noong Agosto 16, may 9 na Saksi ang nasa house arrest at 25 ang nakakulong sa buong Russia. Mga 30 pang kapatid ang pinapirma sa isang dokumento na humahadlang sa kanila na umalis ng kanilang sariling bayan nang hindi kumukuha ng pahintulot sa lokal na mga awtoridad. Patuloy nating ipanalangin ang ating mga kapatid na dumaranas ng napakahirap na mga kalagayan sa Russia.—2 Corinto 1:11.