PEBRERO 16, 2018
RUSSIA
Malapit Nang Magsimula ang Paglilitis ng Korte ng Oryol kay Dennis Christensen
Magsisimula ang preliminary hearing sa kaso ni Dennis Christensen sa Pebrero 19, 2018. Si Mr. Christensen, mamamayan ng Denmark at isang Saksi ni Jehova, ay pansamantalang nakabilanggo sa Oryol, Russia, mula nang arestuhin siya noong Mayo 2017.
Noong Enero 31, 2018, ang Deputy Prosecutor ng Oryol Region ay naghain ng 76-na-pahinang reklamo laban kay Mr. Christensen. Kinasuhan siya ng prosecutor ng paglabag sa Article 282.2(1) ng Criminal Code of the Russian Federation—pag-oorganisa ng gawain ng isang relihiyon na idineklarang ekstremista. Ang pinakamabigat na parusa rito ay 10-taóng pagkabilanggo.
Walang kasalanan si Mr. Christensen. Inaresto siya habang nasa isang mapayapang relihiyosong pagtitipon kasama ang asawa niya at mga kapananampalataya. Magsisimula ang paglilitis sa Pebrero 19, 2018, 2:30 n.h., sa Zheleznodorozhniy District Court sa Oryol.