HUNYO 28, 2016
RUSSIA
Desisyon Kung Ipasasara ang Punong-Tanggapan ng mga Saksi sa Russia—Inaabangan Na
Malapit nang magdesisyon ang Tver District Court ng Moscow sa isang apela na isinampa ng mga Saksi ni Jehova sa Russia laban sa puspusang pagsisikap na isara ang kanilang tanggapang pambansa. Naglabas ng babala ang Prosecutor General’s Office, na nagbabantang buwagin ang Administrative Center of Jehovah’s Witnesses sa Russia dahil sa diumano’y “ekstremistang gawain.”
Hinihiling ng mga Saksi ni Jehova na ideklarang ilegal ang babala ng prosecutor. Ito ay paghadlang sa karapatan ng mga Saksi sa pagsamba at salig sa sinasadyang maling paggamit ng batas ng Russia tungkol sa ekstremistang gawain.
“Hindi kami kailanman nakisangkot sa ekstremistang gawain,” ang sabi ni Vasiliy Kalin, isang kinatawan para sa Administrative Center. “Inaasahan naming aayusin ng korte ang kawalang-katarungang ito.”