Pumunta sa nilalaman

ABRIL 17, 2018
RUSSIA

Korte—Diringgin ang Apela Laban sa Pagkumpiska ng Gobyerno ng Russia sa Pambansang Tanggapan ng mga Saksi

Korte—Diringgin ang Apela Laban sa Pagkumpiska ng Gobyerno ng Russia sa Pambansang Tanggapan ng mga Saksi

Sa Mayo 3, 2018, diringgin ng Saint Petersburg City Court ang apela ng mga Saksi ni Jehova laban sa desisyong kumpiskahin ang dati nilang tanggapang pansangay sa Russia. Kung matatalo ang mga Saksi sa apelang ito, ipatutupad na ang desisyon, at maaari nang kumpiskahin agad ng Estado ang property.

Bago nito, binale-wala ng Sestroretskiy District Court ang ebidensiya na ang tanggapan ng mga Saksi ay pag-aari ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania (WTPA), isang nonprofit corporation sa United States. Pag-aari ng WTPA ang property na ito, at ito ang nagbabayad sa mga buwis ng property sa loob ng 17 taon. Gayunman, noong Disyembre 7, 2017, ipinahayag ng district court na walang-bisa ang kontrata, na pagmamay-ari ng WTPA ang property. Kung matatalo ang mga Saksi sa apela at mauubusan sila ng legal na mga opsiyon sa Russia, dadalhin nila ang malaking kawalang-katarungang ito sa European Court of Human Rights.

Ang mga pagdinig ay magsisimula sa ganap na 11:30 ng umaga, Mayo 3, 2018, sa Saint Petersburg City Court, ul. Basseynaya, 6, St. Petersburg, Russia.