Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 1, 2013
RUSSIA

Grand Chamber ng European Court Tumangging Rebyuhin ang Naging Desisyon Laban sa Russia

Grand Chamber ng European Court Tumangging Rebyuhin ang Naging Desisyon Laban sa Russia

Noong Lunes, Oktubre 7, 2013, ibinasura ng Grand Chamber ng European Court of Human Rights ang kahilingan ng Russia na rebyuhin ang naging desisyon ng Korte noong Hunyo 6 tungkol sa isang kasong kinasasangkutan ng mga Saksi ni Jehova. Sinabi ng Korte na lumabag ang Russia sa karapatan sa privacy, at inutusan nito ang gobyerno na magbayad ng danyos-perhuwisyo na tig-5,000 euro ($6,622) kina Ms. V. Zhukova at Ms. Y. Avilkina. Ayon sa kaso, kinuha ng mga opisyal sa Russia ang medical record ng mga ito mula sa isang ospital nang walang pahintulot. Hiniling ng Russia na dalhin ang kaso sa Grand Chamber ng Korte, na siyang may karapatang magrebyu sa kaso. Pero ibinasura ng Korte ang kahilingang ito ng Russia. Pinal na ang naging desisyon noong Hunyo 6. Dahil diyan, obligado ang Russia na igalang ang karapatan sa privacy sa gayong mga kalagayan at bayaran ang danyos-perhuwisyo na iniutos ng Korte.

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Russia: Grigory Martynov, tel. +7 812 702 2691