Pumunta sa nilalaman

DISYEMBRE 27, 2018
RUSSIA

Hinatulang Nagkasala ang 70-Taóng-Gulang na si Arkadya Akopyan sa Russia

Hinatulang Nagkasala ang 70-Taóng-Gulang na si Arkadya Akopyan sa Russia

Ibinaba ni Judge Oleg Golovashko ng Prohladniy District Court sa Russia ang hatol sa kaso laban kay Brother Arkadya Akopyan noong Huwebes, Disyembre 27. Sinentensiyahan ng korte si Brother Akopyan, isang 70-taóng-gulang na retiradong sastre, ng 120 oras na community service batay sa walang-basehang akusasyon na may mga inutusan daw siyang di-Saksi na mamahagi ng ekstremistang literatura.

Kahit hindi sinentensiyahang makulong si Brother Akopyan, ang desisyong ito ay direktang paglabag sa karapatang pantao. Kaya iaapela ang desisyon sa mas mataas na hukuman.

Sa mga susunod na linggo, inaasahan nating lalabas ang hatol sa kaso ni Dennis Christensen. Dalangin nating patuloy na suportahan at aliwin ni Jehova ang mga kapatid natin sa Russia na nakabilanggo dahil sa pananampalataya nila.—2 Tesalonica 2:16, 17.