ABRIL 6, 2017
RUSSIA
Ipinagpatuloy ng Supreme Court ng Russia ang Pagdinig sa Kaso Laban sa mga Saksi ni Jehova
Sa ikalawang araw ng pagdinig, patuloy na sinuri ng Supreme Court ng Russian Federation ang kasong isinampa ng Ministry of Justice na humihiling na ipasara ang Administrative Center ng mga Saksi ni Jehova sa Russia. Sa pagtatapos ng pagdinig sa ikalawang araw, ipinatalastas na ipagpapatuloy ito sa Biyernes, Abril 7, 2017, alas-10 ng umaga.
Sinabi ni David A. Semonian, isang tagapagsalita sa pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi sa New York: “Ipinakikita ng pagdinig sa araw na ito na walang basehan ang Ministry of Justice sa mga akusasyon nila laban sa aming organisasyon.” Sinabi pa niya, “Pero napansin din namin na opisyal na inamin ngayon ng Ministry of Justice na kung ipagbabawal ang mga Saksi ni Jehova, posible silang kasuhan kahit magsama-sama lang sila para manalangin. Umaasa kaming itataguyod ng Supreme Court ang katarungan at hahadlangan ang paglabag na ito sa aming mahahalagang karapatang pantao.”
Media Contacts:
International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000
Russia: Yaroslav Sivulskiy, +7-812-702-2691