Pumunta sa nilalaman

ENERO 16, 2017
RUSSIA

Ibinasura ng Appellate Court sa Russia ang Apela ng mga Saksi Laban sa Babala

Ibinasura ng Appellate Court sa Russia ang Apela ng mga Saksi Laban sa Babala

Noong Enero 16, 2017, ibinasura ng Moscow City Court ang apela ng mga Saksi na kumukuwestiyon sa pagiging legal ng babala ng Prosecutor General laban sa kanilang pambansang punong-tanggapan. Tinanggihan ng panel na may tatlong miyembro ang lahat ng argumentong iniharap ng mga abogado ng mga Saksi at ibinaba ang desisyon nito pagkatapos ng 10-minutong break. Kinatigan ng desisyong ito ang desisyon ng Tverskoy District Court noong Oktubre 12, 2016, na pumabor sa Prosecutor General’s Office. Ang babala, na may petsang Marso 2, 2016, ay puwede na ngayong ipatupad. Gayunman, hindi pa malinaw kung paano iyon makakaapekto sa kalayaan sa pagsamba ng mga Saksi sa Russia.