MAYO 23, 2018
RUSSIA
Internasyonal na Pagkondena sa Maling Pakikitungo ng Russia sa mga Saksi ni Jehova
Nagbigay ang European Union at United States ng magkahiwalay na pahayag na nagpapakita ng pagkabahala dahil sa maling pakikitungo ng gobyerno ng Russia sa mga Saksi ni Jehova. Ipinapakita ng mga pahayag na ito na mali ang iginigiit ng Russia, na ang pagbabawal nito sa legal na mga korporasyon ng mga Saksi ni Jehova ay hindi makakaapekto sa kalayaan ng indibidwal na mga Saksi na isagawa ang kanilang pananampalataya. Pero gaya ng sinabi ng European Union, ang “sinasabi ng [gobyerno ng Russia] ay hindi tugma sa ginagawa nito.” Nang ikumpara ang sinasabi ng Russia at ang pakikitungo nito sa mga Saksi, nasabi ng United States na “kabaligtaran ang nangyayari.”
Ikinulong ng mga awtoridad sa Russia ang walong lalaking Saksi at kasalukuyang nag-iimbestiga ng 12 kaso sa 11 lunsod. Kahit nakakabahala ang dumaraming bilang ng mga kinukumpiskang pag-aari, ang pangunahin nang iniisip ay ang pagdurusa ng bawat Kristiyanong pinag-uusig dahil sa kanilang pananampalataya.
Parehong itinawag-pansin ng European Union at United States sa gobyerno ng Russia na igalang ang commitment nito sa kalayaan sa pag-iisip, budhi, at relihiyon o paniniwala.
Link sa mga statement:
https://www.osce.org/permanent-council/381820
https://www.osce.org/permanent-council/381823