Pumunta sa nilalaman

ABRIL 5, 2017
RUSSIA

Ipagpapatuloy ng Supreme Court ang Pagdinig sa Kasong Ipagbawal ang mga Saksi ni Jehova sa Russia

Ipagpapatuloy ng Supreme Court ang Pagdinig sa Kasong Ipagbawal ang mga Saksi ni Jehova sa Russia

Sinabi ng Supreme Court ng Russia na ang pagdinig ay magkakaroon ng recess matapos isaalang-alang ang mga motion at oral argument sa kasong ipagbawal ang mga Saksi ni Jehova. Sa kasong isinampa ng Ministry of Justice, hinihiling nito na “ideklarang ekstremista ang relihiyosong organisasyon, ang Administrative Center of Jehovah’s Witnesses, ipagbawal ang gawain nito, at buwagin ito.” Ipagpapatuloy ng Hukuman ang pagdinig sa Abril 6, 2017, alas-dos ng hapon.

Si Mark Sanderson, isang miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova at naroon sa pagdinig, ay nagsabi: “Nakababahala na ibinasura o tinanggihan ng Supreme Court ang karamihan sa mga motion na iniharap ng Administrative Center. Ang mga kinatawan ng maraming embahada at mga organisasyong nagtataguyod ng karapatang pantao ay dumalo sa pagdinig na ito. Sinusubaybayan ito ng buong mundo.”