ABRIL 12, 2017
RUSSIA
Karagdagang Argumento Iniharap sa Ika-4 na Araw ng Kaso sa Supreme Court ng Russia
NEW YORK—Sa harap ng maraming tagapagmasid, ipinagpatuloy ng Supreme Court ng Russian Federation ang ikaapat na araw ng pagdinig para suriin ang kahilingan ng Ministry of Justice na ipasara ang Administrative Center ng mga Saksi ni Jehova sa Russia. Sa pagtatapos, ipinatalastas ng Hukuman na ipagpapatuloy ang pagdinig sa Miyerkules, Abril 19, 2017, alas-10 ng umaga.
Nagsimula ang mga abogado ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng paghaharap ng mga argumento bilang pagtatanggol sa Administrative Center, na sinundan ng cross-examination mula sa mga abogado ng Ministry of Justice. Pagkarinig ng judge sa ebidensiyang iniharap ng mga abogado ng mga Saksi, hiniling niya sa Ministry of Justice na sabihin ang espesipikong legal na basehan kung bakit dapat ipasara ang Administrative Center ng mga Saksi ni Jehova. Walang naisagot ang mga abogado ng Ministry of Justice sa kahilingan ng judge at sa iba pang kaugnay na mga tanong. Nagtapos ang pagdinig sa araw na iyon nang mapakinggan na ang testimonyo ng mga saksi para sa magkabilang partido.
Sa susunod na linggo, inaasahang sisimulan ng hukuman ang pagsusuri sa iniharap na mga testimonyo.
Media Contacts:
International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000
Russia: Yaroslav Sivulskiy, +7-911-087-8009