DISYEMBRE 11, 2017
RUSSIA
Dininig ng Korte sa Russia ang Apela Laban sa Deklarasyong “Ekstremista” ang Bibliya
Noong Disyembre 6, 2017, dininig ng Leningrad Regional Court ang apela ng mga Saksi sa desisyon ng mababang korte na ipagbawal ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Russian.
Nagsimula ang pagdinig sa argumento ng abogado ng mga Saksi laban sa desisyon ng Vyborg City Court na nakabase lang sa pag-aaral ng mga “eksperto.” Walang anumang tinukoy ang city court mula sa Bagong Sanlibutang Salin na itinuring ng pag-aaral na “ekstremista.” Sa halip, nagpokus ang korte sa konklusyon ng pag-aaral na ang Bagong Sanlibutang Salin ay “ekstremista” dahil ginamit nito ang pangalan ng Diyos, Jehova. Ipinaalaala ng mga abogado sa korte na malaki ang epekto ng pangalan ng Diyos sa kultura at kasaysayan ng Russia at makikita ang pangalang iyon sa maraming salin ng Bibliya. Itinawag-pansin din nila ang maling pahayag ng pag-aaral na ang Bagong Sanlibutang Salin ay hindi Bibliya dahil wala itong sinasabi na isa itong Bibliya. Para patunayang mali ang pahayag na ito, binanggit nila ang nakasaad sa paunang salita ng 2007 rebisyon na nagsasabi: “Isa itong bagong salin ng Bibliya sa Russian.”
Nagdesisyon ang Leningrad Regional Court na ipatawag ang panel ng mga eksperto para tanungin sila at muling dinggin ang kaso sa Disyembre 20, 2017, 2:30 n.h. oras sa Russia.