Pumunta sa nilalaman

OKTUBRE 26, 2016
RUSSIA

Patuloy ang Paghihigpit ng Russian Federation Supreme Court sa Pagsamba ng mga Saksi ni Jehova

Patuloy ang Paghihigpit ng Russian Federation Supreme Court sa Pagsamba ng mga Saksi ni Jehova

Noong Oktubre 18, 2016, kinatigan ng Russian Federation Supreme Court ang desisyon ng isang mababang hukuman na buwagin ang legal na korporasyon ng mga Saksi ni Jehova sa Orel salig sa paratang na “ekstremismo.” Ito na ang ikapitong legal na korporasyon ng mga Saksi na binuwag ng mga hukuman sa Russia—lahat ay salig sa di-angkop na paggamit sa batas kontra-ekstremista sa pagsamba ng mga Saksi ni Jehova.

Matagal nang sinisikap ng lokal na mga awtoridad sa Orel na ipabuwag ang legal na korporasyon sa Orel salig sa gawa-gawang ebidensiya. Nang hindi sila magtagumpay, naghain ang Ministry of Justice ng reklamo noong Mayo 2016 salig sa paratang na ang legal na korporasyon sa Orel ay isang “ekstremistang”organisasyon.

Importante ang kasong ito dahil ang legal na korporasyon sa Orel ang kauna-unahang binabalaan at binuwag mula nang magpadala ng babala ang Prosecutor General’s Office sa pambansang tanggapan ng mga Saksi noong Marso 2016.